Pumasok ng gangsta sa edad ko na ito
Tinanggap kagad Halos sumabog ang puso
Hindi namansundalo, pero ang away
daig pa ang gera ng hapon
Mga palo ng padel ang marka ay mananatili
Alam kong mali, pero buhay ko dito naging makulay
suntok at sipa ang alay para saming mga kaaway
Ang mawalay sa minamahal ako'y nakahanda na
Matyempuhang Kalaban ang edad ihihinto na
Pero teka muna, ito ba'y katotohanan
Mabigat na katanungan ano bang pinaglalaban
Ng dahil ba sa gang ang buhay mo'y isasakripisyo
Kahit alam mong hahantungan kulungan o nitso
Ang peligro at banta sa buhay namin ay likas
Bawat luhang papatak bala ang katumbasGusto mo ba na sumama
Saming mundo na madrama
Na may halong lungkot at saya at may kaba
Bala ang pang tubos sa sala ng iba
Ang kaligtasan sa isat-isa inasa
Yan ang buhay ng gangsta
Yan ang Buhay ng gangsta
Buhay ng gangsta
Lagi na lang umiinit ang aking ulo
O para bang gustong pasukin ang lahat ng gulo
Ang punlo lumalabas pag pumutok na ang baril
Ang pagiging siga sa kalsada yan ang aking papel
Ako ay laging gigil kaya't minsan napapasabak
Sa away ng iba kaya't heto't napapahamak
Pero pag hinahamak umiiral na ang poot
Kundi suntok may tutumba na lang
sa isang hataw ng pamalo
Heto na ba ang sagot para masabi lang na siga
Hindi KO to pinili pero bakit nagsisi
Ang tulad KO pano kung kunin Mo na ako,
Sino na lang tititngin sa mga maiiwan
KO sa buhay?
Kaya't nagsusumamo pakinggan aking dalangin
Ang tamang daan ay ituro mo sa akin
Ng akin pang Makita pag bukang liwayway
At darating din ang oras kamay ko ng kumakaway
Gusto mo ba na sumama
Saming mundo na madrama
Na may halong lungkot at saya at may kaba
suntok at sipa ang pang tubos sa sala ng iba
Ang kaligtasan sa isat-isa inasa
Yan ang buhay ng gangster
Buhay ng gangster
Mula noon buhay ko dito na ginugol
Dose anyos ang laro ng buhay magpahabol
Naging kakaiba ang pananaw sa kaedaran
Pinagarap na lahat ng gang ay mapang ibabawan
Habang di na alintana ang mga tao'y lumipas
Tumandang walang tinapos tila nagsayang ng oras sa
wlang kuwentang mga bagay
May mga tropang nangulungan at ibang di na lumutang
May mga nagbuwis ng buhay at naging pambayad utang
Ngunit tinuloy KO parin ang laban hanggang makilala
Ang pangalan Nakipagsabayan sa mga hamon, humantong man sa patayan
At walang tigil na putukan ang ganti pag nalagasan
Ngunit isang katanungan ang naglalaro sa isip KO
Ito ba ang buhay na dapat manahin ng mga kabataan
Gusto mo ba na sumama?
No comments:
Post a Comment